Walang Hanggan Soundtrack, No. 1 Top-Selling Album

Walang Hanggan Soundtrack, No. 1 Top-Selling Album


Pinatunayan ng top-rating Primetime Bida teleseryeng "Walang Hanggan" ang lakas ng hatak nito sa publiko dahil kamakailan ay namayagpag ang official soundtrack nito sa top-selling OPM albums ng Astroplus at Odyssey Music and Video nationwide sales reports. Tampok sa album na inilabas ng Star Records ang mga makabagdamdaming awiting tumatak sa puso ng mga masugid na tagasubaybay ng mga karakter nina Lola Margaret (Helen Gamboa), Lola Virginia (Susan Roces), Emily (Dawn Zulueta), Marco (Richard Gomez), Nathan (Paulo Avelino), Katerina (Julia Montes), at Daniel (Coco Martin).

Bahagi ng tracklist ang "Hanggang Sa Dulo ng Walang Hanggan" ni Gary Valenciano, "Hanggan" ni Angeline Quinto, "Huwag Kang Mawawala" ni Budoy Drilon at Liezel Garcia, "Dadalhin" ni Bryan Termulo, at "Kailangan Kita" ni Jovit Baldivino. Kasabay na ipino-promote ng buong cast ng "Walang Hanggan" sa kanilang mall shows ang kanilang official soundtrack.

Patuloy na mabibili ang "Walang Hanggan" the album sa mga record bar sa buong bansa. Maaari ring ma-download ang mga kanta sa internet, maglog-on lamang sa www.starrecords.ph.

Blog Archive